Mga Natural Remedy para sa Buni/Alipunga

Ang alipunga o athlete’s foot ay isang uri ng Impesksyon sa balat na nakakaapekto sa paa. Ito ay maaari ring dumapo sa mga kamay at kuko. Ang alipunga ay hindi kasing seryoso tulad ng ibang sakit, subalit ito ay napakahirap gamutin. Isa pa ang alipunga ay lubhang nakakahawa. Kung ikaw ay may alipunga, basahin moa ng artikulong ito sapagkat sasagutin natin ang mahahalagang tanong tungkol sa alipunga. Ano ang sanhi ng alipunga? Sinu-sino ang maaaring magkaroon ng alipunga? Anu-ano ang mga sintomas ng alipunga? Paano ba sinusuri ang alipunga? Ano ang gamot sa alipunga? Paano ba makakaiwas sa alipunga? Ano ang sanhi ng alipunga? Ang alipunga ay tumutubo kapag ang fungus na kung tawagin ay tinea ay mamuhay sa paa. Maaari kang mahawa ng fungus na ito sa pamamagitan ng pakikihalubilo sa mga taong may alipunga o paghipo sa mga bagay na kontaminado ng fungus. Nabubuhay ang tinea sa mga lugar o bagay na mainit at mamasa-masa. Ito’y kadalasang matatagpuan sa mga banyo o swimming pool. Sinu-sino ang maaaring magkaroon ng alipunga? Lahat ng tao ay maaaring magkaroon ng alipunga, ngunit may mga kinaugalian kang gawin na maaaring magpataas ng posibilidad na makakuha ka ng alipunga. Narito ang ilan sa mga salik na nagpapataas ng posibilidada na ikaw ay magka-alipunga. Naglalakad ka palagi ng nakapaa, lalo na kung pumupunta sa pampublikong mga paliguan Nakikipagpalit ka ng medyas, sapatos at tuwalya sa mga taong may alipunga Nagsusuot ka ng masisikip na sapatos Hinahayaan mong basa nag iyong paa sa loob ng ilang oras Pinapawisan ang iyong paa Pagkakaroon ng maselang balat Ikaw ay may sugat sa paa Ano ang mga sintomas ng alipunga? May iba’t ibang sintomas ang alipunga. Ikaw ay makaranas ng isa o higit pa sa mga sumusunod kung ikaw ay may ganitong impeksyon. Pangangati at paghapdi sa gitna ng mga daliri Pangangati at paghapdi sa mga sakong ng paa Pagkakaroon ng makating paltos sa paa Pagbibitak-bitak at pangangaliskis ng paa lalo na sa may sakong at mga daliri Pagkatuyo ng balat sa may sakong at sa gilid ng paa Pagkapal at pagpangit ng kulay ng mga kuko Kusang pag hiwalay ng kuko sa mga daliri Paano ba sinusuri ang alipunga? Ang doktor ay maaaring makatiyak na alipunga nga ang tumama sayo sa pamamagitan lamang ng pagtingin sa mga sintomas na tumama saiyo. Kung ang mga sintomas ay hindi gaanong malinaw, ikaw ay maaaring sumailalim sa isang partikular na skin test na kukumpirma kung anong uri ng fungus ang dumapo sa paa mo. Ano ang gamot sa alipunga? Ang alipunga ay kadalasang nagagamot ng mga over the counter na gamot laban sa fungus. Kung ang mga gamot na nabibili sa botika ng walang riseta ay walang epektado sa alipunga mo, ang iyong doktor ay maaaring magbigay ng gamot na iniinom para sa alipunga. Ang ganitong mga gamot ay sadyang malakas na pamatay mikrobyo at nangangailangan ng riseta para makabili nito. May ilang mga paraan ng pagtanggal ng kati sa alipunga na maaari mong gawin sa bahay. Nakatutulong ang pagbabad ng paa sa tubig na may asin at suka. Nakatutulong ito upang matuyo ang apektadong mga bahagi ng iyong paa. Gawing mas mabaho ang paa sa pamamagitan ng paglalagay ng ilang hiwa ng bawang sa pagitan ng iyong mga apektadong daliri at hindi ito alisin sa loob ng isang araw. Maaari ka ring kumain ng mga pagkaing mayaman sa bawang. Budburan ng baking soda ang paa bago ka magsuot ng medyas sa umaga. ANg baking soda ay tutulong upang sipsipin ang moisture sa paa subalit hindi nito pipigilan ang kati. Ang baking soda ay sumisipsip din din nhindi magandang amoy ng sapatos. Maglaga ng apat na onsa ng dahon ng oregano sa tubig na tama lamang para maibabad ang mga paa. Ibabad dito ang iyong paa dalawa hanggang apat na beses bawat araw. May mga nagsasabing pwede itong gamitin sa loob ng isang linggo subalit mas mainam ang pagpapalit nito araw-araw. Ang paggamit ng virgin coconut oil ay napatunayang mabisa na gamot sa alipunga sapagkat ito ay nagtataglay ng antimicrobial properties. Ito ay pwedeng direktang ipahid sa paa dalawang beses bawat araw. Maaari ka ring gumamit ng luya. Magpakulo ng isang cup ng tubig na may isang onsang hiniwang luya sa loob ng 20 minuto at palamigin. Ito ang gamitin mong panghugas ng paa dalawang beses isang araw. Paano ba maiiwasan ang alipunga? Hugasan palagi ang paa gamit ang sabon na may anti-microbial properties. Gumamit ng antifungal powder sa paa araw-araw. Huwag humiram at magpahiram ng tsinelas, medyas, sapatos o tuwalya sa mga taong may alipunga. Maiiwasan mo rin ang mahawa ng alipunga sa pamamagitan ng pagsuot ng tsinelas o sandals kapag ikaw ay naglalakad sa pampublikong mga lugar tulad ng kubeta, banyo at swimming pool. Panatilihing tuyo ang iyong laong lalo na ang gitna ng iyong mga daliri matapos maligo. Siguraduhin mong maiksi ang iyong mga kuko sa paa dahil ang mga mikrobyo tulad ng fungus na sanhi ng alipunga ay karaniwan nang nagtatago sa ilalim ng mga kuko. Kung pababayaan mo itong humaba, pinahihintulutan mong mabuhay at magparami sa ilalim ng iyong kuko ang libu-libong mga nakapipinsalang mga mikrobyo. Iwasan din ang pagsusuot ng maruming medyas o sapatos ng matagal na panahon. Kung ikaw ay pinapawisan ng marami sa araw, gumamit ng bagong labang medyas at palitan ito sa kaligitnaan ng araw. Iwasan isuot ang iyin ding sapatos na sinuot mo kahapon, para mabigyan ng panahon na matuyo ang iyong sapatos. Mas maganda kung ikaw ay matutulog na nakalabas ang mga paa upang hindi ito pamugaran ng mga mikrobyo.
Ang buni o ringworm ay isang sakit sa balat na gaya ng an-an ay dulot ng isang fungal infection. Ito’y maaaring matagpuan sa iba’t ibang bahagi ng katawan mula ulo hanggang paa. Sa paa, ito’y may espesyal na tawag – alipunga o Athlete’s foot (may nakabukod na artikulo para dito). Sa singit naman, ito’y tinatawag na Jock itch. Sa terminolohiyang medikal, ang buni sa pangkalahatang ay tinatawag na Dermatophytosis. Ang buni ay karaniwang sa mga matatanda. Ayon sa isang pag-aaral, mahigit na 20% na lahat ng tao sa mundo ay may buni. Ang mga hayop gaya ng aso’t pusa ay maaari ring magkaroon ng buni. ANO ANG MGA SINTOMAS NG BUNI? Mga bilog na patse ng balat (round skin patches), kulay pula na mas matingkad ang kulay sa palibot, bahagyang naka-angat sa balat: ganito ang tipikal na anyo ng buni. Ito’y maaari ring maging makati, at masarap kamutin, lalo na kung nasa singit, kung saan ito’y tinatawag na Jock itch. ANO ANG LUNAS O GAMOT SA BUNI? Gaya ng an-an, ang gamot sa buni ay mga fungal cream. Ang mga gamot na ito ay maaaring mabili na “Over the Counter” o hingi nangangailangan ng reseta ng doktor. Ipahid ang cream sa apektadong bahagi ng balat, ngunit mas maganda kung magagabayan parin ng dermatologist ang iyong paggagamot. Halimbawa ng generic name ng mga anti-fungal cream ay Ketoconazole, Clotrimazole, Terbinafine, atbp. Kalimitan, ito’y pinapahid dalawang beses isang araw sa loob ng 1-2 na linggo. Kapag malawak na bahagi ng balat ang apektado, maaaring mas praktikal na uminom na lamang ng anti-fungal medications. Magpagabay sa dermatologist sa wastong pag-inom ng mga gamot na ito. PAANO MAIIWASAN NA MAGKAROON NG BUNI? Panatilihing malinis ang katawan; palaging maghugas ng kamay; at palitan ang mga tuwalya, kumot, at tela sa kama ng regular upang makaiwas sa buni at iba pang mga sakit sa balat na dulot ng fungi. Iwasan ring maghiraman ng damit; at iwasang humawag sa mga aso na mukhang nakakalbo ang mga balahibo; ito’y maaaring dahil rin sa fungi. KAILAN DAPAT MAGPATINGIN SA DOKTOR KUNG MAY BUNI? Magpakonsulta sa dermatologist o spesyalista sa balat kung hindi sigurado kung ano bang kondisyon ang nasa balat ng pasyente; at kung hindi tumatalab ang mga fungal cream laban sa buni. Maaaring magreseta ang dermatologist ng mas matapang na cream o kaya tableta na iniinom.

Comments

Post a Comment